01

ANO PO BA ANG SAKOP NG CURFEW?

Mula 10pm hanggang 5am, Bawal na sa labas ng bahay o magpagala-gala ang mga ....
1. Minors
2. Outsiders
3. Workers/Contractors/Sub-contractor
4. Celebrations/Occasions/Drinking Sessions
5. Noise (videoke, music, tambutso)

Prinsipyo ng CURFEW: Basta tama, responsable, mahalaga at angkop sa oras ang dahilan kung bakit nasa labas pa ay hindi po hinihigpitan.
Pangunahing tinatarget ng CURFEW na ito ang mga tambay, mga loko-lokong tao na maaring makapagdulot ng krimen at ingay sa subdivision

02

PAANO ANG MAY MGA MAHAHALAGANG LAKAD, TRABAHO AT EMERGENCY?

Homeowners with work-related reasons (papasok/pauwi) is allowed, magpakita lang ng ID sakaling tingnan ng guwardya

Kung wala sa ayos ang iyong dahilan ayon sa normal na pag-iisip ng tao ay bawal po ang lumabas at magpa-galagala sa mga oras na nabanggit.
Halibawa:
Hindi makatwiran ang paglabag sa curfew para lang maghanap ng alak/sigarilyo
Hindi normal ang mag-jogging pa-ikot ng subdivision dyes oras ng gabi.

Ang prinsipyo dito ay exempted ang mga dahilan ayon sa normal na pag-iisip o common sense, hindi kasama ang kapabayaan sa buhay kaya ka ginabi.

Ang mga HOMEOWNERS ay makakauwi sa kanilang bahay at anytime, dahil bahay mo pa rin yan at dun ka matutulog.

03

PAANO ANG MGA BISITA SA ALANGANING ORAS?

Kailangan sunduin ni Homeowner ang kanilang bisita sa Gate or dapat abisuhan ng maaga ang mga gwardya na may inaasahan silang bisita
Sa pag-uwi ng bisita, siguraduhing deretso na sila ng gate, at hindi na magpapagala-gala pa sa loob ng subdivision, pwede silang ihatid sa gate.

01

BINABAHA PO BA SA VMS?

Sa kasalukuyan HINDI PO, kung hindi po kayo satisfied sa sagot na ito nang mga nakatira dito, maari po kayo sumangguni sa Baranggay Hall mismo ng Barangay Pinacpinacan para itanong ang inyong concern upang kayo ay maayos na mabigyan ng historical na kasagutan.

DISCLAIMER: Ako po ay hindi LOKAL/LEGIT na taga Pinacpinacan or San Rafael, Bulacan, ang kasagutan ko po at base lamang sa mga nakausap ko na mga lokal na taga rito na dekada na naninirahan.

02

KAMUSTA NA PO ANG STATUS NG VMS PHASE 2 AT PHASE 3?

Sa kasalukuyan, on-going pa din po ang construction ng PHASE 2 at 3, sa tantiya po ng mga kilala nating REAL ESTATE BROKERS aabutin pa ng 2-3 years bago matapos ang construction nito.

03

ILANG BESES PO SA ISANG BUWAN NAGHAHAKOT ANG BASURERO?

Sa kasalukuyan po ay ONCE A WEEK or ISANG BESES KADA LINGGO ang hakot ng basura sa VMS. Ito ay upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng subdivision, at maiwasan ang pagdami ng mga insekto o peste.

04

ANO PO ANG MGA PETSA KUNG KAILAN SILA NAGHAHAKOT?

Tuwing araw po ng HUWEBES/THURSDAY ang kanilang schedule. Ito ay upang mas madali para sa mga residente na maalala kung kailan sila dapat maglabas ng kanilang mga basura. Siguraduhin po na ilagay ang inyong basura sa tamang lalagyan o container, at huwag magtapon ng anumang nakakapinsala o nakakadiri na bagay.

05

ANONG ORAS PO KADALASAN ANG DAAN NG BASURERO?

Sa kasalukuyan ay wala pong eksaktong oras and kanilang paghahakot, maari lamang po ay makipag ugnayan sa subdivision gate guard at maging aktibo sa pag monitor sa mga nakalaang GC para sa mga Homeowners.

06

MERON NA PO BA INTERNET PROVIDER SA VMS?

Meron po, sila ay mga local internet provider, ang advantage nito vs big telcos ay nakafocus sila sa mas maliit na lugar lamang kaya natutugunan sa maikling panahon ang mga connectivity issues.

Will Connect ICS
Brienet ICT

DISCLAIMER: Kami po ay hindi AFFILIATED or CONNECTED sa mga Internet Provider, isa lamang din po kami sa mga subscriber.

07

BAKIT PO WALANG IBANG PROVIDERS (PLDT, GLOBE, CONVERGE, OR SKY)?

Ang ibang providers ay hindi pa nakakapag-install ng kanilang mga linya o infrastraktura sa subdivision. Ito ay dahil sa ilang mga requirements o restrictions na ipinapatupad ng subdivision management. Isa sa mga ito ay ang pagbabayad ng bond para sa pag-gamit ng poste at lupa ng subdivision.

08

KAMUSTA NAMAN PO ANG DATA SIGNAL NG SMART, GLOBE, DITO SA VMS?

Sa kasalukuyan, po base sa aking experience ay mas malakas po ang signal ni SMART VS GLOBE, mas madalas po makasagap ng 5G ang SMART DATA compared sa GLOBE na madalas at nasa 4G+ lamang. Wala po ako DITO PREPAID kaya hindi po ako makaka comment kung ano or gaano kalakas ang signal nila sa VMS.Sa kasalukuyan po ay mayroon na tayo nakikitang mga contractor ng GLOBE at PLDT na nag-iikot sa loob ng VMS, at na confirm na din po ng Admin na gumawa lang sila ng OCULAR SITE INSPECTION, pero hindi pa sila ALLOWED mag kabit sa looban.

09

SINO AT ANO PO BA PROVIDER KURYENTE AT TUBIG SA VMS?

Opo, meron na po ang main line electricity provider po natin ay Meralco, at para naman sa ating tubig ay General Trias Water Corporation. Ang Meralco ay ang pinakamalaking electric distribution utility company sa Pilipinas, habang ang General Trias Water Corporation ay isang private water service provider.

10

MAY BILL PO BA NA DUMADATING?

Opo, kapag meron na po kayong linya at kuryente, asahan niyo po na kada reading ay magkakaroon na kayo ng billing na ihahatid ng mga kartero mismo sa inyong unit, kahit hindi pa kayo nakatira sa lugar mismo. Ang billing ay depende sa inyong konsumo ng kuryente at tubig, at maaari niyong bayaran sa mga authorized payment centers o online channels.

11

BAKIT PO HINDI MAYNILAD OR MANILA WATER?

Hindi po natin alam, kung bakit ano ang dahilan, maari po natin ito isanguni sa Admin ng Subdivision. Ang Maynilad at Manila Water ay ang dalawang water concessionaires na nagbibigay ng tubig sa Metro Manila at ilang mga karatig na lugar. Posible na hindi sila nakapag-extend ng kanilang mga linya o infrastraktura sa VMS dahil sa mga legal, technical, o financial na mga hadlang.

12

MERON PO BA NAGTITINDA NG GULAY, KARNE, LUTONG ULAM?

Opo, meron na po mga nagtintinda sa loob ng VMS, ng mga pangunahing pangangaliangan, gaya ng tubig, yelo, gulay, at meron din po mga umiikot na na nagtitinda ng mga karne, isda at iba pa.

14

BAKIT PO MAY MGA GALANG ASO, HINAHAYAAN LANG

1. Walang Dog Pound ang Bayan ng San Rafael.
2. Hindi pwede basta huliin ang mga aso kung hindi ka authorisado or magandang plano
3. Kung gagawa ng sariling dog pound ang Subdivision, maghanda sa mga gastusin at bayarin pati ang mga government compliance
i-click at basahin ito DEPARTMENT OF AGRICULTURE
pati ito PAWS City Pound
4. Sa ngayon, walang pondo ang Villa Marcela para gumawa at mag maintain ng sariling dog pound, unless may mag-sponsor ng malaking halaga
5. Nasa Pilipinas tayo, hindi tayo maaaring gumalaw nang hindi naaayon sa batas patungkol sa mga hayop, dahil baka magkaso ang mga animal lover, again, magastos ang batas at wala tayong pondo pa sa ngayon.
6. Ang pwedeng magawa ay ilapit sa barangay dahil sila ang awtoridad ukol dito.
7. Kung aaksyunan natin ito sa sariling kamay ng concreto at mabilisan, walang gastos, marami ang magagalit na mga animal lover.

15

BAKIT MARAMI AKONG REKLAMO?

1. Normal lang po ang pakiramdam ng reklamo sa mga nasanay tumira sa mga progresibong siyudad at condominium.
2. Ang mga iyon ay may budget at pinapasahod na mga tauhan upang magampanan ang mga reklamo ng mga nakatira.
3. Sa ngayon, wala pong pera ang Subdivision para tumbasan ito.
4. Ang mga Board of Directors at Committee ay mga volunteers lang at may kanya-kanyang full-time na trabaho, gayun pa man sa abot ng kanilang makakaya ay ginagampanan nila ang anumang ikabubuti sa subdivision nang naaayon sa batas.
5. Ang mga Officers ay interim pa lamang at hindi pa rehistrado ang HOA kaya wala pang kapangyarihan magpenalize ng mga lumalabag, kaya't sa ngayon at tanging paalala at pakiusap pa lamang ang pwedeng gawin na naaayon sa batas.
6. Higit sa lahat, bago magreklamo at magsumbong, ang tanong ay "SA PARTE KO, ANO NA BA ANG NAGAWA KO UKOL SA AKING REKLAMO."
Kung kailangan kausapin ang kapitbahay, kausapin muna sa maayos na paraan, depende sa reaksyon, dito mo matatantiya kung kailangan mag-escalate sa HOA, Security OIC, Barangay o Police.
7. Kung may tunggalian sa kapitbahay, ipatawag at mag-usap sa barangay kung ito ay may halong KRIMEN, kung usapan lang ay pwede sa Grievance Committee kung gustong magkaharap at magkausap.
8. Face the reality, the legal and cost implications of the solutions that you wanted.